Isinusumbat ngayon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP kay Pangulong Rodrigo ang pangakong binitawan ng huli nang ito ay nangangampanya pa lamang.
Partikular na tinatanong ni Manila Archbishop Broderick Pabillo ang naunang pangako ng Pangulo na magbibitiw sa puwesto kapag hindi niya nalutas ang problema sa droga at kriminalidad sa loob ng 3-6 na buwan.
“Ano ang nangyari sa pangako niyang magbibitaw siya sa pagkapangulo?” tanong ng arsobispo matapos humingi si Duterte ng karagdagang anim na buwan para tapusin ang problema sa ilegal droga sa bansa. “Sa kanyang kampanya ay tiniyak niya na tatapusin niya ang problema sa droga sa loob ng anim na buwan”.
Ayon kay Pabillo, lumalabas na walang isang salita si Duterte at hindi mapagkakatiwalaan dahil marami itong ginagawang dahilan matapos paasahain at papaniwalain ang mag tao sa kaniyang kakayahan.
“Walang sinuman tao ang nasa matinong kaisipan ang nakapagsabi ng ganyan. Hindi niya ba nakikita na ang kanyang pamamaraan ay hind epektibo?” dagdag pa ni opisyal ng CBCP.