Friday, September 16, 2016
CAMPAIGN FUNDS NI DE LIMA GALING KAY JAYBEE SEBASTIAN AYON KAY HERBERT COLANGCO AT IBANG INMATE
Tatlong C-130 Aircraft Ng PAF Idadagdag Ni Pangulong Duterte
Madadagdagan na sa susunod na buwan ang tatlong C-130 o ang tinaguriang military transport aircraft ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay PAF spokesperson Col. Robert Araus Musico, darating na sa bansa ang dalawang refurbished na C-130 plane na binili ng pamahalaan sa Estados Unidos.
Sinabi ni Musico na unang naka-schedule na paparating ito ngayong buwan pero na extend ito sa susunod na buwan sa hindi pa matukoy na dahilan.
Bagamat walang impormasyon si Musico sa eksaktong petsa ng pagdating ng dalawang C-130 aircraft tiniyak nito na sa susunod na buwan ay mapapasakamay na ito ng AFP.
Pahayag nito na malaki ang maitutulong ng dalawang C-130 plane na ito sa mabilis na pagde-deploy sa mga sundalong sa mga lugar na kailangan ang kanilang dagdag na presensya lalo sa panahon ng kalamidad.
Maaari ring gamitin ito para isakay ang iba pang rescuers maging ang relief goods at iba pang equipment na kailangan sa panahon ng kalamidad
Nagkakahalaga ang dalawang refurbished plane na binili sa Ametika ng P2.6 bilyon. Sa ngayon may tatlong C-130 cargo plane na mayroon ang bansa na malaking tulong sa hanay ng sandatahan lakas ng Pilipinas.
72 Politicians at Law Enforcers Na Umano’y Sangkot Sa Drug Trade, Tinanggalan Ng Lisensiya Ng Baril
Tuluyan nang tinanggalan ng lisensya ng baril ang 72 sa nasa 100 lokal na opisyal at mga law enforcers na nadawit sa operasyon ng iligal na droga kabilang sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PNP Firearms and Explosive Office (FEO) deputy director PS/Supt. Jose Malayo, sa 72 personalidad ay 44 dito ang elected officials, isang judge, tatlong opisyal ng PNP at 24 naman ang mga tauhan mula sa PNP, AFP at sa iba pang law enforcement agency.
Umaabot naman sa 380 baril ang nakita ng FEO na pagmamay-ari ng mva ito na kasama na ang siyam na pagmamay ari ng naarestong Vice Mayor ng Talitay, Maguindanao na si Abeulwahab Sabal na kinabibilangan ng limang short firearms at apat na class A light weapons o high-powered firearms.
Dagdag ni Malayo na sa 380 firearms na tinanggalan nang lisensiya 49 pa lamang ang ipinatago o naka deposit ngayon sa PNP.
Paliwanag ni Malayo na kung hindi maidedeposito ang mga nasabing baril mahaharap ang mga ito sa kaso dahil sa paghawak ng loose firearms.
Thursday, September 15, 2016
Suspect Sa Pagpatay At Panggagahasa Sa Isang Guro At 10 Taong Bata.
Inamin ng suspek na ginahasa pa niya ang guro.
Trillanes to Cayetano: "Di kita papopormahin"
Sen. Antonio Trillanes IV expressed irritation over Sen. Alan Peter Cayetano’s long line of questioning while the other charged him with talking trash to “keep his mind out of the game.”
He even accused her of “lawyering” for witness Edgar Matobato.
As soon as Trillanes took the seat beside Cayetano, he asked De Lima if there is an “unli-questioning” allotted for a nonmember of the committee.
“I think we gave him (Cayetano) more than an hour of leeway for a nonmember. That’s a luxury and now as a member, I assert my right. Otherwise, I might be moved to declare Senator Cayetano out of order for consuming the time of the committee,” Trillanes said.
Dating PBA Player Mark Cardona Agaw Buhay Dahil Sa Drugs
Nag-agaw buhay ang PBA player na si Mark Cardona dahil sa umano'y drug overdose.
Bago ito, inaresto si Cardona dahil sa umano'y pambubugbog sa ka-live in.
Ang ating exclusive na panayam sa partner ni Mark at maging sa kapatid ng basketbolista sa report na ito.
Subscribe to:
Posts (Atom)