Breaking News

Friday, September 16, 2016

Tatlong C-130 Aircraft Ng PAF Idadagdag Ni Pangulong Duterte



Madadagdagan na sa susunod na buwan ang tatlong C-130 o ang tinaguriang military transport aircraft ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay PAF spokesperson Col. Robert Araus Musico, darating na sa bansa ang dalawang refurbished na C-130 plane na binili ng pamahalaan sa Estados Unidos.
Sinabi ni Musico na unang naka-schedule na paparating ito ngayong buwan pero na extend ito sa susunod na buwan sa hindi pa matukoy na dahilan.
Bagamat walang impormasyon si Musico sa eksaktong petsa ng pagdating ng dalawang C-130 aircraft tiniyak nito na sa susunod na buwan ay mapapasakamay na ito ng AFP.
Pahayag nito na malaki ang maitutulong ng dalawang C-130 plane na ito sa mabilis na pagde-deploy sa mga sundalong sa mga lugar na kailangan ang kanilang dagdag na presensya lalo sa panahon ng kalamidad.
Maaari ring gamitin ito para isakay ang iba pang rescuers maging ang relief goods at iba pang equipment na kailangan sa panahon ng kalamidad
Nagkakahalaga ang dalawang refurbished plane na binili sa Ametika ng P2.6 bilyon. Sa ngayon may tatlong C-130 cargo plane na mayroon ang bansa na malaking tulong sa hanay ng sandatahan lakas ng Pilipinas.

No comments:

Post a Comment