Breaking News

Tuesday, September 20, 2016

CBCP: Nasaan Ang Pangako Ni Duterte Na Magbibitiw Kapag ‘Di Nalutas Ang Droga?




Isinusumbat ngayon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP kay Pangulong Rodrigo ang pangakong binitawan ng huli nang ito ay nangangampanya pa lamang.

Partikular na tinatanong ni Manila Archbishop Broderick Pabillo ang naunang pangako ng Pangulo na magbibitiw sa puwesto kapag hindi niya nalutas ang problema sa droga at kriminalidad sa loob ng 3-6 na buwan.

 “Ano ang nangyari sa pangako niyang magbibitaw siya sa pagkapangulo?” tanong ng arsobispo matapos humingi si Duterte ng karagdagang anim na buwan para tapusin ang problema sa ilegal droga sa bansa. “Sa kanyang kampanya ay tiniyak niya na tatapusin niya ang problema sa droga sa loob ng anim na buwan”.

Ayon kay Pabillo, lumalabas na walang isang salita si Duterte at hindi mapagkakatiwalaan dahil marami itong ginagawang dahilan matapos paasahain at papaniwalain ang mag tao sa kaniyang kakayahan.

“Walang sinuman tao ang nasa matinong kaisipan ang nakapagsabi ng ganyan. Hindi niya ba nakikita na ang kanyang pamamaraan ay hind epektibo?” dagdag pa ni opisyal ng CBCP.

Monday, September 19, 2016

Sen. Leila de Lima speaks to ANC 24/7 after being ousted as chairman of the Senate Committee on Justice

De Lima Nag Walk Out sa Senado Na Naman!!

Sunday, September 18, 2016

May 30 Witness Ang Lalantad Bukas Sa DOJ Laban Kay De Lima.

Aabot sa 30 na witness at resource person ang ipiprisinta ng Department of Justice (DoJ) bukas sa isasagawang imbestigasyon ng Kamara kaugnay ng umano'y illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, ang mga witness ang magdidiin kay Sen. Leila de Lima na umano'y nakinabang sa drug money mula NBP.
Sa unang araw ng House probe bukas, ihaharap ang mga testigo para ma-establish kung bakit, papaano, saan, kailan at ang pinakamahalaga ay kung sino-sino ang nakinabang sa perang galing sa droga.
Kinumpirma rin ni Aguirre na isa si Herbert Colangco na miyembro ng binansagang Bilibid 19 sa mga tetestigo laban sa senadora.
Kasama ni Colangco ang iba pang high profile inmates na inilipat sa custodial center ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa banta sa kanilang buhay sa loob ng Bilibid.
Kabilang din sa tetestigo ay ang dating OIC ng Bureau of Corrections (BuCor) noong justice secretary pa si De Lima.
Muli ring nilinaw ni Aguirre na walang kapalit at hindi nila pinilit ang mga inmates na tumestigo laban sa senadora.

President Duterte Anime Version.

Anime version ni President Duterte! A video of an anime version of President Duterte together with PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa etc. was published by Davao Nikkei Jin Anime Club and Bisayaball Community on Facebook.

President Duterte to De Lima..HOY DE LIMA MAKINIG KA. SALOT KA.

Bahay Ni Edgar Matobato Ni Raid ng Davao Police Para Imbestigahan