Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, ang mga witness ang magdidiin kay Sen. Leila de Lima na umano'y nakinabang sa drug money mula NBP.
Sa unang araw ng House probe bukas, ihaharap ang mga testigo para ma-establish kung bakit, papaano, saan, kailan at ang pinakamahalaga ay kung sino-sino ang nakinabang sa perang galing sa droga.
Kinumpirma rin ni Aguirre na isa si Herbert Colangco na miyembro ng binansagang Bilibid 19 sa mga tetestigo laban sa senadora.
Kasama ni Colangco ang iba pang high profile inmates na inilipat sa custodial center ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa banta sa kanilang buhay sa loob ng Bilibid.
Kabilang din sa tetestigo ay ang dating OIC ng Bureau of Corrections (BuCor) noong justice secretary pa si De Lima.
Muli ring nilinaw ni Aguirre na walang kapalit at hindi nila pinilit ang mga inmates na tumestigo laban sa senadora.
No comments:
Post a Comment