Breaking News

Thursday, September 1, 2016

ASSASSINATION OF DUTERTE NOT ACCOMPLISH!





Matagumpay umanong napigilan ang assassination plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang ibinulgar ni PNP chief Director General Ronald "Bato" Dela Rosa kasabay nang pagprisenta sa suspek na si Wilfred Palma sa PNP headquarters sa Camp Crame.

Gayundin iniharap ang mga nakumpiskang smuggled na piyesa ng baril na gagamitin sana sa tangkang asasinasyon.

Inamin ni Palma na ang kanyang boss ay isang Bryan Ta-Ala.

Si Ta-Ala ay kasalukuyang naka-confine sa intensive care unit ng isang ospital sa Bacolod City dahil umano sa hypertension.

Una nang nakumpiska kay Ta-Ala at Palma ang umaabot sa P4.5 million na halaga ng smuggled gun parts mula sa Amerika.

Kuwento ni Ta-Ala, nagsabi sa kanya si Palma na mayroon silang order para sa mga low end na piyesa ng baril mula sa isa nilang regular buyer.

Gagamitin umano ang mga piyesa sa pagkumpuni ng baril para i-assasinate ang Pangulong Duterte.

Inamin din ni Palma na dalawang taon na silang nagbebenta sa internet ng mga piyesa ng baril na ini-smuggle sa bansa sa pamamagitan ng mga balikbayan boxes.

Sinabi naman ni Dela Rosa na ang US Homeland Security ang nagbigay sa kanila ng tip kaugnay ng aktibidad ng sindikato na mayroong mga kontak sa Estados Unidos na nagpapadala ng mga piyesa ng baril.

Ayon kay Dela Rosa, ito ang pinakahuling shipment ng mga piyesa ng baril na nasabat ng CIDG sa Bacolod.

Binubuo ito ng mga rifle barrels, receiver assemblies at samu't saring mga accessories.

Kaugnay nito, nanawagan ang PNP chief sa mga lehitimong gun owners at dealers na nakabili ng piyesa mula sa grupo na makipag-ugnayan sa pulis upang makatulong sa isinasagawang imbestigasyon ng CIDG.

No comments:

Post a Comment