Friday, September 2, 2016
Davao Night Market Blast Yesterday Night
DAVAO CITY - Umaabot na sa 14 katao ang namatay sa naganap na pagsabog sa Roxas Street night market sa Davao City.
Sinabi ni Davao PNP Regional Director Chief Supt. Manuel Gaerlan, maliban sa namatay, nasa 67 ang naitalang sugatan sa insidente habang sa panig ng Malacanang, nasa 60 na ang sugatan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, isang LPG tank ang sumabog.
Dumating na rin sa lugar sina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, Presidential Management Staff (PMS) Sec. Christopher 'Bong' Go at Presidential Communication Secretary Martin Andanar.
Itinakbo sa iba't-ibang mga pagamutan ang mga nasugatang biktima.
Kaugnay nito, pinapakalma ng Malacañang ang publiko kasunod ng nangyaring pagsabog sa Davao City night market bago maghatinggabi.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang dapat ikaalarma pero mabuti na ring mag-ingat at maging alerto.
Ayon kay Abella, wala pang umaako sa nasabing pagsabog sa kabila ng balitang kagagawan daw ito ng Abu Sayyaf kasunod ng pinaigting na operasyon ng militar na ipinag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte.
"An explosion of still unverified cause occurred at the Davao night market resulting in the death of at least 10 persons and around 60 people injured. While no one has yet claimed responsibility it is best that the populace refrain from reckless speculation and avoid crowded places. There is no cause for alarm, but it is wise to be cautious," ani Abella.
Labels:
news
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment